WANTED: Mr. All-In-One

January 4, 2014
12:00nn
Lunch time. Googled Ness Albito. Grabbed old poem.

WANTED: Mr. All-In-One 
Salamat sa pagdating mo…
Tuberong tumagas na luha sa mata ko,
Karpinterong sa buhay kong abandonado’y kumukumpuni,
Sastre sa warat kong puso’y tunahi,
Dentistang nagpapaganda sa aking mga ngiti,
Clown na dahilan ng syang namumutawi,
Towel boy na sa pagkalugami’y pumapawi,
Matador na sa pagkabagot ko’y kumakatay,
Pintor na sa aki’y nagdadagdag kulay.
Daig pa ang dulot ng sinabawang gulay ni Inay.
O! kahit pa sabihin nating isa kang tambay
Inspirasyon ko naman sa bawat tula at sanaysay,
Ikaw’y seaman na sa gunita’y laging naglalakbay…
Oh!Captain My Captain, sa ‘yong barko ako’y iyong pasahero.
Piloto rin na nagpapalipad ng isipan ko
Nangangambang utak ko’y tuluyang masagsa ‘yong eroplano.
Pareng lassenggo na ang inuman session ay handing iwan.
Superstar na mega kong hinahangaan
Na kapag nariya’y nais mahagkan.
Astrunot na natatanaw na kalawakan.
Mekaniko ng na-flat tire kong kinabikasan.
Karterong hatid ay kaligayahan.
Technician na biglaang nag-shut down ng aking kamlayan.
Nurse na nagpapahalaga sa aking kalusugan.
Magtataho na sa umaga pa lang ay inaabanagan
At sa gabi’y magbabalut na nais huling masilayan.
Labandero na mantas ng nakaraan
Ikaw rin ang nagplantsa sa gusot na dinaanan.
Chef na bumubusog sa pusong noo’y durog-durog,
Panaderong sa pagkatao’y tumulong na humubog,
Pulis rin na rumuronda kapag ako’y bombing sasabog.
Kandidatong tiyak na aking iboboto, panalo!
Saludo ako sayo matipunong sundalo,
Sirkero, namamangha ako sa bawat pagkilos mo,
Napapatulalang tila nakakita ng multo,
Guro na kung paani magmahal ang naituro,
Drayber na sa buhay ko’y nagmamaneho,
Negosyanteng sa nalugi kong kompanya sa sarili’y nagpapatakbo,
Doctor na gumagamot sa aking pagkahilo,
Alburaryo kapag saloobi’y naeengkanto,
Napapabilib sa kakaiba mong trick, G. Mahikero,
DJ sa radio na laging pinep-play ang request ko,
Sa anmang kasing harapi’y magiting na abogado,
Parlolistang dahilan kung bakit blooming daw ako,
Mamang sorbetreo na nagpapalamig ng aking ulo,
Tinderong hindi bibingka ang o biko ang laman ng bilao
Basta something sweet, kilig naman ako.
Tanong lang: Ako kaya’y gusto mo ring makasama?
Pareho kaya ang ating nadarama?
Mr. All-in-One, sa akin ba’y mag-aaply ka?
Apply na!

Published in: 
SATSAT, Literary Folio of THE PETROGLYPHS, The Official Student Publication of University of Rizal System- Angono

Comments